Inton: Ang sidewalk ay para sa tao di parking space

September 07, 2019

ANG sidewalk ay para sa tao at hindi dapat gawing “exclusive parking space” ng mga private establishment.

Ito ang mariing reminder ni Atty. Ariel Inton, Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at chief ng Quezon City Task Forces Traffic and Management (QCTFTM) , sa interview kahapon.

Ang mariing reminder ay sagot sa patuloy na paglabag ng mga private establishment na ginagawang private parking space ang kanilang mga harapan o sidewalk.

Warning ni Inton sa mga may establishment owners wala silang karapatan o bawal lagyang ng mga exclusive parking para sa kanila ang mga “sidewalk” o bangketa dahil ito ay pag-aari ng gobyerno at inilaan na lakaran ng publiko para sa kaligtasan.

Kaugnay nito sinabi ni Inton bukas ( Lunes) ay lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya ng Quezon City laban sa mga illegal parking na hindi sumusunod sa utos ni President Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng sagabal sa mga lansangan at ibalik sa publiko.

Ayon kay Inton babalikan nilang lahat ng mga lugar na kanila ng binigyan ng warning kung sumunod ang mga ito.

Ilan sa tinukoy ni Inton ang stretch ng Timog Avenue kung saan  government officials pa ang hindi sumusunod at tila naghahamon.