Isko may pulong sa E-trike driver

NAKATAKDANG makipagpulong ngayon hapon si Manila Mayor Francisco “Isko“ More-no Domagoso sa lahat ng E-tricycle driver na pumapasada sa mga public road sa Maynila.

Ala 1 ng hapon magpupulong ang mga E-trike drivers sa Bulwagan Katipunan.

Nabatid na pansamantalang sinuspinde ni Moreno ang order na paalisin na sa mga public road ang mga e-trike hanggang hinihintay pa niya ang klasipikasyon ng Land Transportation Office(LTO) sa mga E-trike.

Nalaman na mahigit 300.e-trikes ang pumapasada sa Maynila na pinayagan ng dating administrasyon ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Makikita ang mga e-trike na bumibiyahe papuntang Divisoria, Sta. Cruz, Binondo Recto, at Quiapo.

Tinawag ang atensiyon ni Moreno ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na paalisin sa public land ang mga e-trike.