Home>News>Metro>Kasama sa Top 6 MWP arestado

Kasama sa Top 6 MWP arestado

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking itinuturing na isa sa Top 6 Most Wanted Person (MWP) sa station level dahil sa kasong robbery.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Ronnie Montejo, ang naaresto na si Jesslord Cabasag, 24, at residente ng Bgy. Sto. Niño, Quezon City.

Batay sa rekord, si Cabasag ay wanted sa kasong robbery at itinuturing na Station Level Top 6 MWP ng Galas Police Station 11 (PS-11).

Lumilitaw na dakong alas-5:40 p.m. noong Sept. 12 nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng PS-11, District Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame, ang suspek sa Bi-ak na Bato, Bgy. Sto. Niño matapos na makatanggap ng tip hinggil sa kinaroroonan nito.

Armado ang mga pulis ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ferdinand C. Baylon., ng Quezon City RTC, Branch 77, dahil sa kasong robbery, nang arestuhin ang suspek na hindi na nakapalag pa.

Sa ngayon ay nakapiit na si Cabasag at walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kanyang paglaya. Nakatakda na ring impormahan ng mga awtoridad ang hukuman hinggil sa kanyang pagkakaaresto.

Publication Source :    People's Tonight