Lalaki timbog dahil sa malusog na dibdib

January 08, 2019

ARESTADO ang isang construction worker makaraang panggigilan ang malulusog na dibdib ng dalagang nakasakay niya sa pampasaherong bus kamakalawa ng tanghali sa Makati City.

Hindi umano napigilan ni Ernani Ligbos, 38, ng 78 Sampaguita St., Brgy. 33, Imus City, Cavite na nanggigil sa malusog na dibdib ng biktimang itinago sa pangalang Jean, 23, ng Quezon City nang makatabi niya sa upuan alas-11 ng tanghali kaya’t pasimpleng hinipuan ang dalaga.

Hindi kaagad nakapalag si Jean nang lukubin ng matinding pangamba kaya’t sa pag-aakala ng suspek na hindi na papalag ang dalaga, muli nitong hinaplos ang dibdib ng biktima na nakatawag pansin na sa pasaherong si Welbert Enad, 27, na nagmalasakit na sitahin ang suspek.

Pagsapit sa kanto ng Buendia Avenue at Batangas St., sa Bgy. San Isidro, natanaw ni Enad ang nagpapatrulyang sina PO1 Jayvee Garcia at PO1 Jerome Lazaro ng Makati police na kanyang hiningan ng tulong na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kasong Acts of Lasciviousness ang kinakaharap ngayon ng suspek sa Makati City Prosecutor’s Office na isinampa laban sa kanya ng dalagang biktima.