Home>News>Metro>Lalaki tumalon mula QC mall

Lalaki tumalon mula QC mall

ISA na namang lalaki ang umano’y tumalon mula sa isang mall sa North Edsa sa lungsod Quezon Martes ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District nangyari ang insidente bandang ala-singko ng hapon, Setyember 01, 2020 sa driveway ng annex ng mall na matatagpuan sa Bgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Ayon Kay Ernesto Aniban, security guard ng nasabing mall, kasalukuyan umano siyang rumoronda sa pinangyarihan ng insidente nang makarinig siya ng malakas na kalabog.

Agad siyang nag-imbestiga kung saan niya nadiskubre ang nakahandusay na katawan ng biktima.

Agad nilang isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital kung saan ito idineklarang dead upon arrival sanhi ng mga galos at fracture sa katawan.

Ayon sa imbestigador ang biktima ay isang empleyado ng bangko.

Publication Source :    People's Tonight