Lasing nandakma ng dalagita,kulong

June 06, 2019

PINAGTRIPAN ng isang lasing ang 15-anyos na estudyante matapos dakmain ang kanyang malusog na dibdib habang tumatawid sa pedestrian crossing kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kasama pa ng dalagitang itinago sa pangalang “Evelyn” ang kapuwa estudyante at kaibigang si John Maverick Cunanan nang gawin ng suspek na nakilalang si Danny Levantino, 47, driver at naninirahan sa 136 P. Sevilla St. Bgy. 55, Caloocan City ang kalaswaan sa biktima.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Karuhatan Road habang tumatawid ang biktima at kanyang kaibigan sa pedestrian lane.

Bigla umanong nilapitan ng suspek na nasa impluwensiya ng alak ang dalagita at kaagad na dinakma ang kanyang dibdib.

Sa labis na takot, nagtatakbo ang dalagita at kasama hanggang sa makahingi ng tulong sa Police Assistance Desk ng Barangay Karuhatan na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.