Home>News>Metro>LCSP lalong magiging vigilant sa 2021 — Inton

LCSP lalong magiging vigilant sa 2021 — Inton

LALO pang magiging aggresibo at vigilant ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pagpasok ng 2021, ayon kayLCSP founder, Atty. Ariel Inton.

Ayon kay Inton naging abala ang grupo sa pagharap sa mga hamon at maraming mga issue simula pa lang ng taong 2020. Kasama rito ang mga commuters at transport issues; at pandemya.

Sa isang interview, sinabi ni Inton na ilan sa mga controversial issues na hinarap ng LCSP ay ang pagpapa-legal sa mga app-based motorcycle taxis,ang pagtutol ng LCSP sa pagsasara ng mga private emission centers at pag-pabor sa mga pribadong motor vehicle inspection system,at ang “kill switch” modus ng isang TNC na bumiktima ng marami na nag-operate ng mga colorum na TNVS.

Tutol din ang LCSP na gawing requirement ang tree planting sa pagkuha ng prangkisa. Bagamat maganda ang ugat na intention ay magdudulot lang ito ng dagdag na “red tape” at pahirap sa sektor ng transportasyon, ayon sa grupo.

Pinalagan din ng LCSP ang additional hypothetical driving lessons bago makakuha ng student permit sa mga accredited driving schools.

Itinulak din ng LCSP ang paglilinaw sa polisiya ng pagbabawal ng mga tricycle sa national roads lalo na sa mga walang alternatibong daan at pagsulong ng passenger accident insurance para sa mga pasahero at driver.

Tutol din ang LCSP sa implementation ng RFID system sa mga tollways habang wala pang inter-operability at iginiit ang madaliang pag-aayos ng sistema sa mga tollgate gaya ng palpak na pagbasa ng scanners ar ang pagpapanatili ng cash lanes habang hindi pa ayos ang lahat.

Tutol din ang LCSP sa EDSA carousel at closure ng mga U-turn slots sa EDSA, at pagputol at paglipat ng mga routes ng mga public utility vehicles.

Ayon kay Inton lalo pang magiging mapagmasid ang LCSP para sa sambayanan.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight