Home>News>Metro>LCSP sa LFTRB: Tree-planting gawing penalty kesa requirement

LCSP sa LFTRB: Tree-planting gawing penalty kesa requirement

LCSP Founder
Si LCSP founder Atty. Ariel Inton habang nagpapaliwanag na gawing penalty ang pagtatanim ng puno sa mga franchise violators imbes na requirement kasama ang kayang mga bisita sa kanyang weekly vlog. Kuha ni JUN I. LEGASPI

MAS magandang gawing penalty ang pagtatanim ng puno kesa requirement, ayon sa commuter group.

Ito ang giit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa inilabas na Memorandum Circular 2020-076 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Mas magandang bilisan na lang ng LTFRB ang processing ng mga franchises ng publiko, at kapag bumils na ang kanilang processing baka hindi lang isang puno ang itanim ng publiko. Magandang penalty itong pagtatanim ng puno sa mga mahuhuling bumibiyahe ng out-line, cutting trip, colorum, over charging at iba pang franchise related violations, pero para gawin requirement sa pagkuha ng franchise eh ang masasabi natin red tape yan,” saad ni Inton sa kanyang weekly vlog.

Mungkahi pa ng LCSP sa LTFRB, i-block list ang mga operator at mga may ari ng truck na ginagamit sa illegal logging. Iminungkahi rin nila sa Land Transportation Office (LTO) na huwag nang i-renew ang registration ng mga truck na ito.

Handa namang tumalima ang mga PUV operators pero dapat din aniyang siguraduhin ng LTFRB na mapapabilis ang pag-iisyu nila ng prangkisa.

Nangangamba rin si Inton na magresulta ng korapsyon ang bagong policy ng LTFRB.

Nanawagan si Inton kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, i-review ang memo na ginawa ng kanyang dalawang board member.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight