Lolo, 63, minolestiya ang binabantayan, 13

June 19, 2019

BANTAY-SALAKAY ang ginawa ng 63-anyos na lolo na nagtatrabaho bilang tagabantay ng mga batang estudyante matapos mabisto ang ginawang pagmomolestiya sa isang Grade 7 na biktima kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kung hindi nakatakbo at nakapagtago ang 13-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Rose” malamang na muli siyang na-molestiya ni Jovencio Gohol, residente ng Block 1 Lot 14, Coloong I, Barangay Wawang Pulo at miyembro ng “Bantay-Estudyante” ng Wawang Pulo National High School.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro sa isang computer shop sa Salambao St. si Rose dakong alas-7 ng gabi nang mamataan niya si Gohol na nakatitig sa kanya at dahil sa takot ay kumaripas siya ng takbo palabas.

Hinabol siya ng matanda kaya’t nagtago siya sa isang nakaparadang tricycle at lumabas lamang nang matiyak na nailigaw na niya ang suspek.

Pauwi na si Rose nang masalubong niya ang kanyang ama at dito na niya sinumbong ang ginagawang paniniktik sa kanya ni Gohol matapos na una siyang molestiyahin ng dalawang ulit ng suspek.

Sa pahayag ni Rose sa Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) nangyari ang unang pagmomolestiya sa kanya ng miyembro ng Bantay-Estudyante noong Hunyo 11 dakong alas-7 ng gabi sa isang bakanteng lote sa Salambao Street, Wawang Pulo kung saan dinila-dilaan umano ng suspek ang kanyang ari.

Naulit muli ang pangmo-molestiya ng suspect sa biktima noong Lunes ng gabi, dakong alas-7 sa kapareho ring lugar kung saan muling isinagawa ang pagdila sa kanyang kaselanan.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dalawang bilang na kasong attempted rape at paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection Against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isasampa ng WCPD laban kay Gohol sa piskalya ng Valenzuela city.