Lolo natagpuang patay sa Valenzuela

January 01, 2019

WALA ng buhay nang matagpuan ang isang 65-anyos na lolo makaraang madulas at malunod habang dumudumi Lingglo ng hapon sa Valenzuela City.

Natagpuan ang bangkay ni Enrico Ramos ng Mapulang Lupa, Valenzuela City pasado alas-5 ng hapon sa mababaw na bahagi ng ilog sa likuran ng barangay hall ng Mapulang Lupa makaraang hanapin ng kanyang mga kaanak.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela police chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, nagtungo umano ang biktima sa likuran ng barangay hall upang dumumi sa ilog subalit hindi na ito bumalik kaya’t naghanap na ang kanyang kaanak.

Hinihinalang nadulas ang biktima habang dumudumi hanggang sa mahulog sa ilog at nalunod. Nakababa pa umano ang suot nitong panloob nang matagpuan ng mga awtoridad sa mababaw na bahagi ng daluyan ng tubig.

Hindi naman naghain na ng reklamo ang mga kaanak ng biktima dahil naniniwala sila na aksidente ang nangyaring pagkamatay ng kanilang lolo.