Home>News>Metro>LRT-1 station 4 na buwan isasara

LRT-1 station 4 na buwan isasara

Light Rail Transit Line 1

APAT na buwan na pansamantalang isasara ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Roosevelt Station sa EDSA, Quezon City, ayon sa management.

Sa advisory ng Light Rail Management Corporation, ito ay upang bigyang daan ang full blast construction ng magiging common station na magdudugtong sa Metro Rail Transit-3, Metro Rail Transit -7, at LRT Line 1.

Magsisimulang isasara sa publiko ang Roosevelt Station mula September 5 hanggang December 28 ng taong ito.

Dahil dito, ang magiging byahe na lamang ng LRT Line 1 ay mula Baclaran Station sa Pasay hanggang Monumento Station sa Caloocan at vice versa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) target na tapusin ang common station ngayong Disyembre upang magsimula ang partial operation ng MRT 7 sa unang mga buwan ng 2021.

Ang MRT 7 ay magdudugtong sa North Avenue Quezon City patungong San Jose Del Monte Bulacan.

Inaasahan libo-libong mga pasahero ang makikinabang oras na operational na ang nasabing common stations.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight