LRT-2 station nasunog, transformer sumabog

LRT 2

NABALOT  ng tensyon ang paligid ng riles ng Light Rail Transit (LRT-2) matapos sumabog ang transformer na naging dahilan upang masunog ang Anonas Station at napahinto ang operasyon ng tren kahapon ng umaga sa lungsod ng Quezon.

Base sa ulat, bandang 11 a.m. nang mangyari ang insidente sa kanto ng JP Rizal St. kahabaan ng Auarora Boulevard.

Nagkaroon ng sunod-sunod na pagsabog kasunod ng pag-apoy.

Inapula agad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang gumapang na apoy sa wire na nakarating hanggang sa Anonas Station.

Pansamantalang isinara ang daloy ng sasakyan sa magkabilang panig na kalsada para bigyang daan ang operasyon habang itinigil ang operasyon ng LRT.

Marami sa mga pasehro ng LRT ang naperwisyo dahil sa pagtigil ng operasyon at pagkasira ng Anonas Station.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari at inaalam ng mga ito ang dahilan ng pagsabog.