LRT sa Cavite sinimulan

MATAGUMPAY nang sinimulan ang actual construction ng Light Rail Transit (LRT-1) Cavite Extension project noong Martes, ika-7 ng Mayo, sa Sucat, Parañaque City.

Sa wakas, matapos ang matagal na paghihintay, umusad na ang 11.7-kilometer railway extension project sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC).

“We are not doing a groundbreaking today. What we are doing today is actually celebrating the full construction of a dream that was pending in previous administrations and is now a reality,” ani DOTr Secretary Arthur P. Tugade sa kanyang talumpati.