LTFRB: Huwag tangkilikin ang mga colorum

October 29, 2019

NANAWAGAN kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na huwag tangkilikin ang mga colorum.

Ang panawagan ay ginawa ng board sanhi ng bulto ng mga kababayan natin na uuwi sa kanilang  probinsiya upang alalahanin ang mga namatay na mahal sa buhay sa remembrance ng All Saint´s Day ngayong linggo.

Ayon sa board may sapat na mga provincial bus ang bibiyahe sa mga ibat’ibang probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bukod pa anya sa  special permits na ibinigay na ng board sa qualified operators at owners ng mga bus upang tiyaking may augmentation ng bus sakaling magkulang ang mga ito.

Pinaliwanag pa ng board sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang mga aksidente walang security at mga benefit na makukuha sa mga colorum, tulad ng mga Personal Insurance at Compulsory Third Party  Liability (PA-CTPL), hospitalization at medical expenses.

Kaugnay nito nanawagan ang leadership ng LTFRB sa mga bus operator at owner na tiyakin na roadworthy ang lahat ng bus na kanilang ibibiyahe sa lahat ng lugar.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga operator na i-police ang kanilang hanay at tiyakin na lahat ng kanilang mga driver at conductor ay 100% physically, mentally, emotionally at spirituality fitted.

“Alam natin nasa mga driver ang buhay ng mga commuter kaya dapat 100% fitted ang mga ito,” saad ng board.