Home>News>Metro>LTFRB nagdagdag ng 4,820 PUJs sa 44 routes

LTFRB nagdagdag ng 4,820 PUJs sa 44 routes

NAGDAGDAG pa uli ng 4,820 units para sa 44 na routes ng Traditional Public Utility Vehicle (PUJ) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), para mas marami pang masakyan ang publiko.

Sa record ng LTFRB, 27,016 units ng mga traditional PUJ sa 302 routes ang bumibiyahe ngayon at nagbibigay ng serbisyo sa publiko, simula ng ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).

Ang kautusan ay ayon na rin sa latest Memorandum Circular Order 2020-058 ng inilabas ng LTFRB noong October 10, 2020

Narito ang bilang ng mga ruta at PUV na bumibiyahe sa Metro Manila simula Hunyo 1,2020:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ) ,No. of routes opened: 302 No. of authorized units: 27,016 ,2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

No. of routes opened: 48,No. of authorized units: 845,3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

No. of routes: 34,No. of authorized units: 4,016,4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)

No. of routes opened: 34,No. of authorized units: 387 5. UV EXPRESS,No. of routes opened: 76,No. of authorized units: 3,263,6. TAXI No. of authorized units: 20,927,7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS),No. of authorized units: 24,356,8.

PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB),No. of routes opened: 12,No. of authorized units: 286 9. MODERN UV Express,No. of routes opened: 2,No. of authorized units: 40

Tiniyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya.