LTO sinuspinde issuance ng student’s permit, driver’s license

June 30, 2020

SIMULA ngayon July 1, 2020, Wednesday, temporarily sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang issuance ng student’s permit ng mga kumukuha ng driver’s license.

Sa official statement sinabi ni Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante, lahat ng mga applicants ng student’s permit ay dapat mag-undergo ng 15-hour theoretical driving course sa agency o sa anumang mga accredited driving school simula sa August 3, 2020.

““Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring applicants to go through 15 hours of theoretical session first,” saad ni Galvante.

Ayon kay Galvante ang 15-hour theoretical session ay tatalakay sa mga mga driving law at mga regulations.

Ang student’s permit ay first step upang makapag-apply at makukuha ng non professional driver’s license.

Ayon pa rin sa rules and regulations na ipinatutupad ng agency matapos makukuha ng permit makalipas ang isang buwan ay pwede na itong kumukuha ng non-professional driver’s license.

Samantalang kailangan ang at least anim na buwang driving training para makukuha ng professional driver’s license.