Maayos at wastong pamamahala

December 01, 2018

ITO ang hangarin ni dating Pasay City Prosecutor Edward M.“E.T.” Togonon nang magpasi-yang sumabak sa pulitika at tumakbo bilang alkalde ng lungsod ng Pasay sa ilalim ng partidong PDP-LABAN ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung tutuusin, mala-king hamon kay Togonon ang pumasok sa larangan ng pulitika lalo na’t napakaraming posisyon ang ini-aalok sa kanya sa sangay ng hudikatura at ehekutibo na hindi niya pinansin at sa halip sundin ang idinidikta ng kanyang puso at isipan na gawin ang nararapat upang maisaa-yos ang buhay ng mama-mayan ng Pasay.

Partikular na binanggit ni Togonon ang kalagayan ng mga naninirahan sa mahihirap na lugar na hindi lamang salat sa pangangailangang pinansiyal kundi kakulangan din ng wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan at hindi maayos na kapaligiran.

Sa kanyang pag-iikot, natuklasan ni Togonon ang pangingibabaw ng problema ng mahihirap na ma-mamayan sa kanilang kalusugan na hindi kayang matugunan ng nag-iisang pampublikong pagamutan, ang Pasay City General Hospital (PCGH)

Aniya, walang kakayahang magpasuri ng kanilang karamdaman ang naka-raraming mahihirap na mamamayan ng lungsod sa mga pribadong pagamutan at hindi rin naman sila puwedeng magtungo sa pampublikong pagamutan sa karatig-lungsod na may mga modernong gamit dahil sa Pasay City sila naninirahan.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ni Togonon na buhusan ng pondo ang PCGH upang magkaroon ng modernong kagamitan tulad ng magnetic resonance imaging (MRI), dialysis machine, digital mammography machine at iba pa upang maibigay ang wastong serbisyong pangkalusugan sa mamamayan, kasabay na rin ng pagtatayo ng mga modernong medical clinic sa malalayong barangay upang kaagad matugunan ang mga emergency cases bago sila dalhin sa pagamutan.

Dapat din aniyang pahalagahan at mahalin ang mga senior citizens na malaki ang naiambag sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng marami pang mga benepisyo tulad sa mga karatig-lungsod na sa mismong tahanan na nila dadalhin ng barangay official upang hindi na sila pumila at mapagod sa pagtungo sa city hall para lamang lu-magda sa karampot na ha-laga.

Nais din ni Togonan na matugunan ang pangangailangan ng mga kabataang estudyante, partikular ang pagkakaloob ng libreng gamit tulad ng bag, lapis, kuwaderno, uniporme at maging sapatos. Dapat din aniyang mabigyan ng lib-reng nutrisyon ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong mga pagkain. Hindi aniya masamang tularan ang ginagawa ng ibang lungsod tulad ng Makati at Taguig kung ito ang makabubuti sa mga batang mag-aaral.

Sa larangan naman ng hanapbuhay, dapat ani-yang bigyang prayoridad ng malalaking kompanya at establisimiento sa lungsod ang pagkuha bilang kanilang empleyado sa mga Pasayeños. Dapat din ani-yang mabigyan ng livelihood projects ang mahihirap na mamamayan na gagaba-yan ng TESDA upang ma-tiyak na may kalidad ng mga gagawing handicraft products upang mabilis na maibenta sa merkado. Lahat ng mga raw material na kakailanganin ay lib-reng ihahandog ng lokal na pamahalaan upang mahikayat silang maghanapbuhay.

Ang malinis na kapaligiran sa buong lungsod na walang makikita kahit kaunting basura ang layunin din ni Togonon upang maging kaaya-aya ang paninirahan sa isang komunidad. Kapag aniya natugunan ito, walang basu-rang maitatapon sa mga daluyan ng tubig na pa-ngunahing dahilan ng mga pagbaha sa mababang lugar tulad ng Malibay at Maricaban.

Kailangan aniyang ipasilip sa mga eksperto kung ano ang nararapat na paraan upang mabilis ang maging daloy ng tubig na nanggagaling sa Magallanes para hindi umapaw ang mga estero tulad ng ginawa sa Libertad kung saan may malaking tunnel sa ilalim patungo sa Manila Bay kaya’t kahit malakas ang buhos ng ulan ay hindi binabaha ang lugar. Ang malinis aniyang komunidad ang susi sa maayos na buhay kaya’t ito ang kanyang tututukan para sa susunod na henerasyon.

Layunin din ni Togonon na mapabilang ang Pasay City sa talaan ng mga “business-friendly cities” lalo na’t maganda ang lokasyon ng lungsod dahil bukod sa international airport, may bay area o malapit sa dagat. Kailangan lang aniya na magkaroon ng “harmonious relationship” sa pagitan ng mga negosyante at lokal na pamahalaan u-pang maatim ang isang “lovely business community”. Pagkakaloob aniya ng tax incentives ang isa sa nakikita niyang paraan upang makita ng mga ne-gosyante na hindi panggigipit at pagpiga sa kanila ang layunin ng lokal na pamahalaan.

Sa paglaban naman sa krimen, nais ni Togonon na magkaroon ng regular na seminar ang kapulisan sa pagsasagawa nila ng police operation laban sa iligal na droga at iba pang krimen upang hindi lumagpas sa wastong paraan ang kapulisan sa pagtupad sa tungkulin,

Force multiplier din o ang tulong ng mga barangay officials, security guards, civic organization at grupo ng kabataang maganda ang layunin ang nakikita niyang solusyon upang mapuksa ang paglaganap ng iligal na droga at iba pang krimen.

Sa kabila ng lahat ng kanyang layunin, isang administrasyon na walang bahid ng katiwalian o korapsiyon ang nais ipatupad ni Togonon lalo na’t kaila-ngan din niya ang ayuda ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang kanya hangarin.

Kung tutuusin, sapat ang kuwalipikasyon ni Togonon para pamunuan ang lungsod dahil mula sa pagiging dating mamamahayag, limang taon niyang hinasa ang kanyang kaka-yanan bilang abogado sa kilalang law firm bago nagpasiyang tanggapin ang alok bilang pinakabatang tagausig sa City Prosecutor’s Office ng Pasay kung saan tatlong ulit siyang na-promote sa loob lamang ng anim na taon.

Matapos ang 14-na taon bilang fiscal ng Pasay, natalaga si Togonon bilang chief city prosecutor ng Muntinlupa City kung saan ilang ulit siyang nahalal bilang pangulo ng Prosecutor’s League of the Philippines hanggang matalaga bilang hepe ng Manila City Prosecutors noong 2013 at nahalal bilang pangulo ng Chief Prosecutor’s Association of the Philippines.

Sa kanyang paninilbihan bilang tagausig ng lokal na pamahalaan, uma-ni siya ng napakaraming parangal dahil sa wagas at tapat na pagtupad sa tungkulin kabilang ang tatlong ulit na pagtanggap bilang “Outstanding Prosecutor”, mga plake ng pagki-lala at pagpapahalaga at pagiging kinatawan sa napakaraming pagpupulong ng mga tagausig, hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa ibang bansa. Inspiras-yon ni Togonon sa kanyang tapat na pagtupad sa tung-kulin ang kanyang may-bahay na si Glenda Garcia at mga anak na sina Ivan at Lara na pawang mga propesyonal na rin.

Kasama ni Togonon sa kanyang line-up sina Atty. Bong Tebelin na tatakbo bilang bise alkalde at mga konsehal na sina Atty. Sonny Quial, Wennie Elanto, Michael Gabriel, Alex Evardone at Jaomar Leslee Badjao sa Distrito I habang sina Onie Bayawa, RC Ocampo, Hector Bongat, Ramon Yabut at Arnel Cabrido sa Distrito II habang si dating Pasay City Prosecutor Elmer Mitra naman ang tatakbo bilang kongresista.