Home>News>Metro>Magkapatid, pinsan dedo dahil sa away pamilya

Magkapatid, pinsan dedo dahil sa away pamilya

TATLONG lalaki kabilang ang magkapatid at kanilang pinsan ang pinagbabaril hanggang sa mamatay habang papauwi ang mga biktima sa kanilang bahay nitong Biyernes sa Ungkaya Pukan, Zamboanga del Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Amirudin Asdain, 23; nakababatang kapatid na si Halid, 15; at pinsang si Muhajir Asdain, 19, nagtatrabaho bilang rubber tapper at pawang mga residente ng Barangay Bohe Pahu sa naturang lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Amil Asani, miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT), gayundin ang mga kasamahan nito.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong 5:30 p.m. sa kahabaan ng Bgy. Camamburingan ng nasbaing bayan.

Sa inisyal na ulat, lumalabas na papauwi ang mga biktima galing sa rubber plantation nang bigla silang tambangan ng isang grupo ng kalalakihan at pinagbabaril gamit ang matataas na kalibre ng baril.

Dead on the spot ang mga biktima habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na posibleng may kinalaman sa away sa pamilya ang motibo ng pagpaslang.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan