Home>News>Metro>Mandaluyong lumagda sa tripartite agreement para sa pagbili ng bakuna

Mandaluyong lumagda sa tripartite agreement para sa pagbili ng bakuna

ANG Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos ay lumagda na sa isang tripartite agreement sa pagitan ng AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. at ng national government para sa maagang pagbili ng COVID-19 vaccine na may halagang P200 milyon.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong January 6 ang Resolution No. 2961, Series 2021 kung saan pinapayagan si Mayor Menchie Abalos na pumasok, lumagda, at magpatupad ng isang multilateral agreement sa AstraZeneca.

Nagkaisa sina Abalos at ang Sangguniang Panlungsod sa pagpili sa bakunang gawa ng AstraZeneca dahil ito ay inaprubahan nang United Kingdom government noong December 30, 2020. Ang local subsidiary na AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. ay nag-alok din sa pamahalaang lungsod ng nasabing bakuna sa mas mababang halaga. Ito rin ay mas madaling ipamahagi dahil kinakailangan lang nito ng dalawa hanggang walong degrees Celsius na temperatura.