Manila Water pinagmulta ng P1.13B ng MWSS

April 24, 2019

PINAGMULTA  ng higit P1 bilyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Company dahil sa naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal province.

Ito ang ipinarating na ulat kahapon ni MWSS administrator Reynaldo Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na agad pinag-aralan ang ulat ng MWSS ni Duterte hinggil sa water crisis.

Ayon kay Velasco, pinatawan ng MWSS ang Manila Water Company ng  P1.134 bilyon sanction kung saan P534 milyon ang multa at P600 milyon ang pondo sa bagong water source.

Aniya, ang Manila Water ay hindi pagbabayarin sa mga gastusin sa pagbabago ng water source sa mga consumer dahil sa nasabing ipinataw na multa sa kanila.

Ang multang ipinataw ay bunga ng paglabag ng Manila Water sa Article 10.4 of the concession agreement matapos mabigong gampanan Ang 24/7 water supply sa kanilang mga  consumer.

“The water shortage was an eye-opener, and sad to say, the new MWSS Board inherited this lingering problem having assumed office only in February 2017. We are on a catch up,” ani Velasco.

Nitong nakalipas na Marso, maraming lugar sa  Metro Manila at Rizal na siniserbisyuhan ng Manila Water Company ang dumanas ng water service interruption dahil sa kakapusan sa suplay ng tubig.

“We will abide by the MWSS Decision to impose a penalty. While we are not the root cause for the inadequacy of the raw water supply coming from Angat Dam which we are mandated to treat and distribute, Manila Water, as agent and contractor of water services of MWSS, hold ourselves accountable for our inability to provide our consumers with the usual uninterrupted water service,” sinabi kahapon ni Manila Water president and CEO Ferdinand dela Cruz.