Misting vs COVID-19, bacteria isinagawa sa Journal Group Office

June 27, 2020
Journal Group

MISTING VS COVID-19, BACTERIA ISINAGAWA SA JOURNAL GROUP OFFICE — Isingawa ang misting o pagpapausok laban sa COVID-19 at mga bacteria kahapon sa opisina ng Journal Group of Publications  na naglalathala ng People’s Journal, People’s Tonight at Women’s Journal sa Port Area, Ermita. Ang disinfecting operation ay pinangunahan ni Bgy. Kagawad Jerome Buncal ng Bgy. 737 sa Mataas na Lupa at Munoz St, Malate Manila. Katulong ni Buncal sina Roston Garcia at Luis Valdez sa pag-disinfect ng lahat ng sulok ng bawat departamento. Sa susunod na buwan ay magsasagawang muli ng disinfecting operation sa pangunguna naman ng mga  Korean national kasama ang MDRRMO ng Lungsod ng Maynila. Ito ay upang matulungan ang Duterte administration na labanan ang COVID-19 at masigurong ligtas ang mga manggagawa at bisita ng PJI sa virus at iba pang sakit. Kuha ni JONJON C. REYES