Home>News>Metro>Motorsiklo vs taxi, MC rider patay

Motorsiklo vs taxi, MC rider patay

NASAWI ang isang lalaki matapos sumalpok ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa taxi sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 commander P/Major Marlon Meman ang nasawi na si Al-khalid Mahir, 29, nakatira sa SMDC Welcome Rotonda Q.C.

Base sa pagsisiyasat ni Patrolman Kervin Villa, dakong 7:30 a.m. (January 18) nang mangyari ang aksidente sa Kahabaan ng E. Rodriguez Sr. corner Ilang-ilang St., Bgy. Mariana sa lungsod.

Binabaybay umano ng biktima ang nasabing kalsada sakay ng Suzuki Raider 150 na may plakang 136610 nang banggain nito ang kanang bahagi ng taxi na Hyudai Accent na may plakang UVK-714 na minamaneho ni Demetrio Sabanal, 42, residente ng 359 Rose St. Reparo Road Caloocan City.

Sa lakas ng impak, tumilapon ang suot na helmet ni Mahir at bumagsak siya una ang ulo sa semento na agad niyang ikinasawi.

Nakapiit na ang taxi driver na si Sabanal at nahaharap sa kasong damage to property with homicide.

Publication Source :    People's Tonight