Home>News>Metro>MRT-3 balik operations

MRT-3 balik operations

OPERATIONAL nang muli ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) matapos suspendihin ang pagbiyahe ng mga tren nitong Linggo dahil sa paghagupit ng super typhoon Rolly.

Ayon sa management, may 17 tren at dalawang Dalian trains ang bumibiyahe kung saan anim na minuto ang pagitan ng pagdating ng susunod na tren, ayon sa schedules.

Patuloy naman ang pagpaalala ng pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero na panatilihin ang minimum health protocols at mag-ingat sa kanilang pagbiyahe.

Una na ring ipinagpaliban ng MRT-3 ang scheduled weekend shutdown bilang pag-iingat sa posibleng pag-landfall ni Typhoon Rolly.

Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear (Gir) sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue station.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight