Home>News>Metro>MRT-3 shutdown di tuloy!

MRT-3 shutdown di tuloy!

HINDI na muna itutuloy ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ang scheduled weekend shutdown nito simula October 31, 2020 hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020.

Ayon sa management ito ay bilang extra precautionary measures sa posibleng pag landfall ni Typhoon Rolly.

Ito ang strict recommendation ng MRT-3 management kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade upang maprotektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na magiging bahagi ng mga gagawing maintenance sa mga nasabing petsa.

Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear (Gir) sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue station.

Magbibigay ng anunsyo ang pamunuan ng MRT-3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.

Ibig sabihin, magpapatuloy ang operasyon ng mga tren sa main line hanggang Lunes.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight