Home>News>Metro>Nag-Selfie muna bago nag-suicide

Nag-Selfie muna bago nag-suicide

NAG-SELFIE muna umano bago nagbigti ang isang lalaki sa loob ng kaniyang tahanan sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) ng Quezon City Police District nadiskubre ang ginawang pagbibigti ng biktimang si Mario (hindi niya tunay na pangalan), nasa wastong gulang, bandang 6 p.m.

Ayon sa isang saksi nagtungo siya sa tahanan ng biktima upang tanungin tungkol sa kaniyang ipinapagawa.

Nakailang beses na kumatok ang saksi sa tahanan ng biktima ngunit wala umanong sumasagot kaya napagpasiyahan na nitong pumasok sa loob.

Laking gulat umano ng saksi ng makita ang nakalambitin na katawan ng biktima sa hagdanan na may nakapulupot na telephone cord sa leeg.

Agad ipinagbigay alam ng saksi ang naturang insidente sa nakakasakop na baranggay.

Ang biktima ay dineklarang dead upon arrival sa ospital.

Sa pagsisiyasat ng pulisya ay nadiskubre mula sa cellphone ng biktima ang paghahanda nito ilang saglit bago siya umano magpakamatay.

Sa isang mensahe sa social media ay nagawa pa umanong magpaalam ng biktima sa kaniyang nobya. Kasabay ng mensahe ang isang litrato o “selfie” ng biktima.

Ayon sa pulisya ay pumirma ng isang waiver ang pamilya ng biktima bilang pagtutol sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

Publication Source :    People's Tonight