Home>News>Metro>Namasko muna bago nagbigti

Namasko muna bago nagbigti

PINALIPAS muna ng isang ina ang araw ng Pasko bago nagbigti Sabado ng Hapon sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 2 p.m. (Dec. 26), nang matagpuan sa loob ng banyo ng tahanan ang nakabigting katawan ng 52-taong gulang na ginang ng kaniyang panganay anak.

Ayon kay PMSg Romualdo Dimla, pagdating umano sa bahay ng anak ay tuluy-tuloy ito sa kanilang banyo pero bumungad sa kanya ang nakabigting ina.

Agad na humingi ng saklolo ang anak sa kanilang barangay at nang maibaba sa pagkakabigti ang ginang ay wala na itong buhay.

Hindi na pinaimbestigahan pa ng pamilya ang insidente dahil kumbinsido silang sadyang winakasan na ng ginang ang kaniyang buhay, pero hindi na idinetalye ang dahilan.

Publication Source :    People's Tonight