Nanay nasalba sa gahasa sa biglang iyak ng supling

July 18, 2019

MUNTIK nang maisahan ng isang obrero ang asawa ng kanyang kaibigan matapos niyang pasukin ang ginang sa loob ng silid habang nasa kapitbahay ang kalive-in nito at tinangkang makipagtalik kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nakatakda na sanang tuhugin ni Alvin Ian Calupcupan, 26, ng Pabelonia St., Bgy. Isla ang 20-anyos na ginang matapos magawang hubarin ang suot na panloob habang patuloy na hinihimas ang mayamang dibdib nang magising at umiyak ang 1-taong gulang na anak na lalaki ng biktima na katabi niyang matulog.

Dito na biglang bumalikwas ng bangon ang suspek at isinubsob pa sa unan ang ulo ng ginang upang hindi siya makilala bago mabilis na lumabas ng silid at tuluyang tumakas.

Nauna rito, dakong ala-1 ng madaling araw nang pasukin ng suspek sa loob ng silid ang natutulog na ginang habang nasa kapitbahay ang kalive-in nito at kaagad na pinatay ang ilaw upang hindi siya makilala.

Sinimulang himasin ng lalaki ang dibdib ng biktima at dahil sa pag-aakalang ang lalaking kinakasama ang katabi, nagpaubaya ang ginang hanggang mahubad na ng tuluyan ng suspek ang kanyang suot na panloob. Dito nagising ang bata at natigil ang obreno.

Kaagad namang nagsumbong ang ginang sa kanyang kalive-in at kaagad silang humingi ng tulong sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kasong attempted rape at trespass to dwelling ang isinampa ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) laban sa suspek sa piskalya ng Valenzuela.