Home>News>Metro>NEA namahagi ng PPE sa QC hospitals

NEA namahagi ng PPE sa QC hospitals

NAMAHAGI ang National Electrification Administration (NEA) ng 300 personal protective equipment sa tatlong government hospitals sa Quezon City bilang suporta sa mga frontliners.

Ang mga PPE ay personal na tulong at suporta sa mga frontline health workers na patuloy sa kanilang paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng Human Resources and Administration Department at Samahan ng mga Kawaning Makareporma ng (NEA) ,ibinigay ang mga PPE sa East Avenue Medical Center , (EAMC),

Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Bawat hospital ay binigyan ng tig 100 piraso ng PPE.

Ang donasyon na PPE ay mula sa ambag ng mga opisyal at empleyado ng ahensiya na nagkaisa para magpa-abot ng tulong sa mga frontliners.

Isang paraan lang din anila ito para ipadama ang pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga medical frontliner sa panahon ng pandemya.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight