Home>News>Metro>Option sa cashless transaction isinusulong

Option sa cashless transaction isinusulong

DAPAT may options ang commuter at transport groups, dahil legal tender na pambayad ang pera ng Pilipinas.

Ito ang giit ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pagsusulong ng mga cashless transaction dahil panahon ng pandemic.

Tama naman para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, aniya.

Approved yan. Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera. Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Pero yung one meter social distance at pagsuot ng face mask yan ay minimum health standard. Pero kamakailan ang Department of Transportation (DOTr) ay pinaikli ang distansya sa public transport sa pagitan ng pasahero at may iba pang pag relax ng health protocols na ginawa,” ani Inton.

Kung ni-rerelax ito bakit pagdating sa cashless ay lalong hinihigpitan lalo na sa tollways. Mukhang iba ang polisya,”tanong ni Inton

Ayon pa kay Inton ang posisyon din ng LCSP na walang legay na batayan ang mga tollway operators na hindi tumanggap ng cash dahil ang piso ay legay tender sa pilipinas.

Ang salapi o barya na inissue ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ang opisyal na currency sa bansa . Bakit hindi tatanggapin sa tollways? Maaring sabihin nila na may karapatan ang toll operators na pumili ng paraan ng pagbayad dahil nirerepresent naman ng cashless transaction ay piso. Kayat hindi nila tinatangihan yun piso yun mode of payment lang. Pero kailangan pa ba natin pumunta sa husgado para i-settle yan legal question na yan? Di bat mas simple na panatiliin ang cashlanes at gandahan ang sebisyo sa RFID para ma enganyo ang mga motorista mag RFID? Bagamat sinasabi ng mga nagsusulong ng cashless transaction na dapat tayo humabol sa ibang bansa pagdating sa teknolohiya hindi naman nila one hundren percent inalisang cash transaction.Bakit? Dahil paano pag nag-offline, na hack ang system at iba pang aberya? Dapat flexible tayo. Ganun din sa public transport. Ok isulong ang cashless pero huwag alisin ang option ng mga pasahero magbayad ng cash . Hayaan ang tao ang pumili para sa ganoon ay binibigyan natIn ng sapat na panahon ang mga motorista at pasahero ng sapat na panahon sa adaptability ng sistema at may flexibility naman pag may aberya,” ani Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight