P10 pamasahe sa jeepney ibalik – Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas

January 15, 2019

DAPAT ibalik sa P10 ang regular fare sa jeepney.

Ito ang iginiit ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP) matapos magpatupad ng bulk oil increase na P2.30 sa diesel per liter at P1.40 sa gasolina kahapon.

Ayon sa computation at study ng LTOP, tataas pang muli ito ng P2 dahil sa implementation ng TRAIN tax kaya aabot sa P4.30 ang dagdag na presyo, bukod pa ang excise tax at Expanded Value Added Tax.

Sa kwenta pa ng LTOP, kung dati ay P35,95 per liter ang diesel ang gastos ng driver ay P900 per day at kumikita ang driver na net P700.

“Dahil sa increase, abot na sa P1,006.25 ang gastos sa diesel per day kaya ang dating kita na P700 ay P500 nabawasan ng P200, epekto ng Train, excise at E-Vat,”  ani Marquez.

Ayon naman kay Efren de Luna, ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), “kung tinupad lamang ng Pangulo ang pagsuspinde ng Train at excise tax kahit man lang sa mga public utilities di na rin sana kami hihiling ng fare hike.”