P20 pamasahe sa tricycle pwede

July 02, 2020

P20 na pamasahe sa tricycles pwede, ayon sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). 

Ito ang mariing punto ni Atty. Ariel Inton, founder ng (LCSP) sa ginawang public hearing ng Quezon City Council-Committee on Transportation Lunes ng hapon.

Paliwanag ni Inton proposal ng (LCSP) strict apprehension sa mga colorum tricycles na siyang kumukuha ng pasahero ng mga legitimate at may mga franchise na tricycles.

Higpitan ang parusa sa overcharging, para maging fair naman ang pamasahe sa mga commuters. At huwag ipasa sa commuters ang kabawasan ng kita dahil isa lang ang pwedeng isakay ng tricycle.

Ayon kay Inton very crucial ang sitwasyon dahil sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) isa lang talaga ang pasahero at hindi ito kasalanan ng commuter.

Ayon kay Inton sa mga susunod na committee hearing tatalakayin ito ng council kung magkano ang talagang dapat na pamasahe sa tricycle bago ito ipasa sa City Council upang maging ordinansa.

Nauna na rito maraming reklamo ang natatanggap ng (LCSP) dahil umaabot sa P60 ang pamasahe sa single trip. May mga report pa na umaabot pa ito ng hanggang P150 per trip.

Ayon kay Inton dapat bigyan agad ito ng mabilis na aksyon dahil pinagmumulan ito ng heated argument ng driver at pasahero na posibleng mauwi sa away.