P8 pamasahe sa jeepney ibalik na

January 05, 2019
Jeepney

“IBALIK na sa P8 ang pamasahe sa jeepney!”

Ito ang mariing hiling ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga transport groups.

Ayon sa PCMA, halos nasa P34 na lang kada litro ang diesel at ang gasolina ay nasa plus P4 kada litro na lang, kaya dapat ng ibalik sa P8 ang regular fare ng jeepney.

Bukod sa sunod-sunod na bulk rollback ng presyo ng diesel at gasoline, sinabi ng PCMA NA may P5,000 fuel subsidy o Pantawid Pasada pang ibinibigay ang LTFRB sa mga operator at driver, gayundin maraming mga gasoline station ang nagbibigay pa ng P2 discount sa mga jeepney driver.

Ayon sa PCMA tila masyadong spoilED ang mga jeepney drivers sa mga biyayang nakukuha ng mga ito kayat dapat naman ibalik na ang regular fare na P8 para naman sa mga commuters.

Hiniling din ng PCMA sa mga operators na huwag na nilang ibiyahe ang mga running coffins, karag, karag at bulok at mausok na mga units.

Sa hiwalay na interview, iginiit ni transport group leader Orlando Marquez ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas hindi sila magro-rollback ng pamasahe dahil mataas pa rin ang presyo ng spare parts at ng mga basic at prime commodities.

Samantala, inatasan ni Sen. Win Gatchalian, chairman ng Committee on Economics Affairs sa Senado ang Department of Energy (DOE) na tiyaking walang negosyanteng makakapagsamantala sa muling pagtaas ng dagdag na buwis sa petroluem products.

Batay sa Tax Reporm for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law, simula Janauary 1, 2019 ay dagdag P2  ang excise tax per liter sa diesel at gasoline.

Dapat na siguraduhin ng Department of Trade and Industry at DOE na hindi ito makakaapekto sa retail price ng petroleum products dahil hindi naman bagong imports ang kasalukuyang ibinebenta ng mga oil companies, dagdag pa ng PCMA.