Home>News>Metro>Panawagan para sa balik-pasada ng jeepney umarangkada sa UP

Panawagan para sa balik-pasada ng jeepney umarangkada sa UP

transport group
Ang grupo ng mga transport leaders at youth sector sa pangunguna ng Arangkada, UP sa ginawang press conference kahapon sa Quezon Hall sa compound ng UP, Sa Quezon City. Kuha ni JUN LEGASPI

SUPORTADO ng youth organizations ng University of the Philippines (UP) ang panawagan ng transport group na magbalik pasada ng 100% ang mga jeepney at “No To Jeepney Phaseout!

Sa ginawang press conference kahapon sa Quezon Hall sa UP compound kasama ang youth sector sa pangunguna ni Nessa Zantua, ipinakita ng mga ito ang kanilang full support sa ipinaglalaban ng transport group na ibalik na ang pasada 100% at no to jeepney phaseout.

Sinabi ni Zantua bilang isang kabataan na sumasakay ng pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, ramdam nila bilang anak ang hirap ng mga magulang na jeepney driver na walang kita dahil tigil pa rin ang pasada.

Sa nasabing press conference, sama samang isinigaw ng grupong Alliance of Concerned Transport Organizations, Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide, UP Transport group, Marikina Transport Group at Pantranco Transport Group na dapat na talagang magbalik pasada ang lahat ng mga jeepney 100% dahil talagang gutom na ang mga pamilya nila.

Ayon sa mga transport group leaders 11 buwan ng walang biyahe ang kanilang mga members at hindi naman lahat nakatanggap ng ayuda ng gobyerno.

Sabay sabay na nanawagan ang mga transport group kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTR-LTFRB) payagan ng magbalik pasada ang lahat ng jeepney.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight