Home>News>Metro>PAO Forensic Lab Division pinagtanggol

PAO Forensic Lab Division pinagtanggol

Erwin Erfe & Acosta
Si Dr. Erwin Erfe, chief ng Public Attorney´s Office-Forensic Laboratory, kaharap si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, habang nagpapaliwanag sa ginawang press conference sa kanilang opisina. Kuha ni JUN I. LEGASPI

IPINAGTANGGOL nina Atty. Larry Gadon at dating congressman Atty. Glenn Chong ang Forensic Laboratory Division ng Public Attorneys Office (PAO) kaugnay ng balitang pagtanggal ng pondo nito sa susunod na taon.

Sa press conference sa PAO head office, sinabi ni Gadon ang kahalagahan ng PAO Forensic laboratory.

Binigyang diin ni Dr. Erwin Erfe, chief ng Forensic Laboratory Division ng PAO, ang kahalagahan ng nasabing division upang makapagbigay ng ayuda sa nangangailangan.

Ang mga tinutulungan namin ay mahihirap,” saad ni Erfe.

Pinasalamatan ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta at Erfe ang ipinakitang suporta ng dalawang abugado na nagpatutuo sa lubos na serbisyo ng Forensic Laoratory Division sa libu-libong mahihirap na naseserbisyuhan.

2014 nang magsimula ang PAO Forensic Laboratory Divisio kung saan nasa mahigit 13 milyong mamamayan na ang naagserbisyuhan nito at patuloy.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight