Patay nakita sa bakanteng lote

Natagpuan sa isang bakanteng lote sa lungsod Quezon ang isang lalaki na diumanoy biktima ng ‘summary execution’ kahapon ng umaga.  

Ang biktima na may tama ng baril  sa ulo at nakagapos ng patalikod ang dalawang kamay ay inilarawang nasa edad na 25-30, 5’6 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi at nakasuot ng itim na t-shirt at short.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga nang makarinig ng tatlong putok ng baril ang mga residente ng Araneta Avenue sa Quezon City.

Nang tingnan kung saan nanggaling ang putok ng baril ay doon nila nakita ang nakasubsob at duguang  katawan ng biktima sa isang bakanteng lote at  may tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Hindi kilala sa lugar ang biktima na nakagapos ng cable wire.

Sa ngayon ay  nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para ang biktima, matukoy ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.