Pedicap driver huli sa panghahalay

May 11, 2019

DALAWANG ulit hinalay ng isang pedicab driver ang 16-anyos na dalagita habang pinagsawaang lamasin din ang kaselanan ng 12-anyos na kaibigan nito matapos silang ikulong sa bahay ng suspek sa Valenzuela City.

Kamakalawa lamang ng gabi nadakip ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 5 ang suspek na si Remmy Custodio alyas “Roldan”, 38, sa kanyang bahay sa 42 Ilang-Ilang St. Balangkas matapos makapagsumbong sa kanyang ina ang 12-anyos na biktimang itinago lamang sa pangalang Rose.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela Police chief P/Col. David Nicolas Poklay, nagtungo ang 16-anyos na biktimang itinago sa pangalang Margie, kasama ang kaibigang si Rose sa bahay ng suspek noong Miyerkules ng umaga, Mayo 8 upang kunin ang kanilang damit na hiniram ng kanilang kaibigan.

Pinapasok ng suspek ang mga biktima sa loob ng bahay at sa pamamagitan ng pananakot, hindi na sila pinalabas hanggang tuluyang halayin ang 16-anyos na si Margie at nang makaraos ay pinaghihipuan naman at pinagsawa ang kamay sa maseselang parte ng katawan ni Rose.

Inakala ng mga biktima na papayagan na silang makalabas ng bahay matapos gawan ng kahalayan subalit ikinandado ng suspek ang pinto at dakong alas-7 ng gabi, muling pinagparausan ang murang katawan ni Margie.

Kinabukasan, araw ng Huwebes, binigyan ng suspek ng P200 ang dalawang biktima at sinabihang makakalabas na sila ng bahay subalit tinakot na huwag magsusumbong kahit kanino kung ayaw nilang may mangyaring hindi maganda sa kanila.

Kamakalawa ng gabi, dakong alas-8, bumalik sa bahay ng suspek ang mag-kaibigan upang makiusap na makuha na ang damit na hiniram sa kanila subalit muling nilapitan ni Custodio si Rose at dinakmang muli ang kanyang dibdib at matagal na pinaglaro ang kamay sa kanyang kaselanan.

Nang makauwi sa kanilang bahay, naglakas-loob na si Rose na isumbong sa kanyang ina ang ginawa sa kanila ng suspek kaya’t kaagad silang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip kay Custodio na ngayon ay nahaharap sa dalawang bilang na kasong rape, dalawang bilang na kasong attempted rape in relation to R.A. 7610 o Child Abuse Law at dalawang bilang na slight illegal detention.