Person with disability, 13 iba pa timbog sa droga, krimen

November 11, 2018

Inaresto ng pulisya ang isa umanong person with disability (PWD) at 13 iba pa sa isinagawang ‘anti-illegal drug and anti-criminality operations’ sa Quezon City.

Batay sa report kahapon kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr., naaresto ng Anonas Police Station (PS 9) sa pamumuno ni Supt. Cipriano Galanida si Ger-ar Ababao, 30, umano’y pipi at bingi, ng Bgy. Pansol.

Naaktuhan umano ng Barangay Police Service Office (BPSO) ng Bgy. Pansol si Ababao dakong alas-3 ng hapon nu’ng Nov. 10, 2018, na nagtitingi-tingi ng droga sa Block 6, Kaingin 2, Bgy. Pansol. Nakumpiska sa kanya ang anim na sachets ng shabu.

Nadakip naman ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni Supt. Louise Benjie Tremor sa  buy-bust sina Rafael Santiago, 27, ng  102 K4th St., Bgy. Kamuning, at Harvey Pascual, 26, ng 142 K2nd St., Bgy. Kamuning, dakong 2:30 a.m. nu’ng Nov. 10, 2018, sa 102 K4th St., Bgy. Kamuning. Nakumpiska sa kanila ang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Sa Masambong Police Station (PS 2) na pinamumunuan ni Supt. Rodrigo Soriano, naaresto sina Noe Hermosa, 41, at Carlos Evangelista, 48, kapwa residente ng Agno St., Banawe, Bgy. Doña Josefa, alas-5:30 ng hapon (Nov. 10), sa Ilagan St., Bgy. Paltok. Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachet ng shabu.

Kasamang nadakip sina Julius Ayag, 30, ng Sitio San Roque, Bgy. Bagong Pag-asa; Renato Samonte, 43, ng Tawid Sapa Dos, Bgy. Kaligayahan; at Ferdinand San Diego, 52, ng  46 A, 11th Ave., Bgy. Socorro, alas-6 ng gabi (Nov. 10), sa 73 Pieces St., Sitio San Roque, Bgy. Bagong Pag-asa, at nasamsam ang dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Natimbog din sa buy-bust sina Arman Miralles, 36, ng 40 Del Pilar, Bgy. Paltok, at Edilberto Peralta, 50, ng 36 Homemart Route, Bgy. Apolonio Samson, bandang alas-11 ng gabi (Nov. 10), sa  Pitimini St., Bgy. Del Monte at nasamsam sa kanila ang tatlong sachet ng shabu at ang buy-bust money.

Arestado rin sa anti-illegal drugs operation sina  Toribia Tani, 56, Ely Marquez, 31, David Morales, 21, at Jasper Manigbas, 35.

Ang mga nadakip ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).