Home>News>Metro>Policewoman na-Basag Kotse sa QC; mga LV, Gucci natangay

Policewoman na-Basag Kotse sa QC; mga LV, Gucci natangay

ISANG policewoman na nabiktima ng ‘Basag Kotse Gang’ ang natangayan ng milyong halaga ng mga mamahaling alahas, mga bag, relo at daang libong cash makaraang iparada ang kaniyang sasakyan sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si P/Maj. Carolina Ilagan San Pedro, 43, walang asawa, nakatalaga sa Firearm Explosive Office (FEO) sa Camp Crame at residente ng No. 76, Unit 15, 9th Ave., Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao, Quezon City.

Natangay sa policewoman ang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakalahaga ng P2,000.000, dalawang Louis Vuitton na shoulder bag na nagkakahalaga ng P200,000, tatlong Gucci watch (P300,000), P160,000 cash, mga credit cards at Huawei cellphone na nagkakahalaga ng P8,000,00.

Sa report kay P/Major Jowilouie B Bilaro, hepe ng Cubao Police Station 7, dakong 8:45 p.m. (December 12) ng maganap ang insidente sa parking lot ng Kopi Tism Restaurant sa C. Benitez St., corner Bonny Serrano, Brgy. Horshoe, Cubao, QC.

Ayon sa imbtesigador na si PSMS Marvin Masangkay, ipinarada umano ng policewoman ang kaniyang Puting Toyota Fortuner (AS B143) sa harap ng nasabing restaurant subalit sa kaniyang poagbalik ay basag na ang kanang bintana ng sasakyan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matunton ang miyembro ng ‘Basag Kotse’.

Publication Source :    People's Tonight