Preso nilagnat sa selda, namatay

ISANG preso na may kasong theft ang nasawi matapos na lagnatin sa loob ng kulungan sa  Quezon City Police District (QCPD)  Talipapa Police Station 3, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni  Talipapa Police Station (PS 3) personnel under PSupt Alex Alberto ang namatay na inmate na si  Romeo Borja, 43, binata at residente ng 38 Pipit Street,Bgy.Talipapa,QC.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente sa loob ng male detention cell  dakong 1:45 ng madaling araw.

Sa report,  habang nakabantay umano ang mga duty jailer na sina PCpl. Dennis Tokpil at PCpl. Jessie Ruales ay tinawag umano sila ng preso na  si Jonathan Torno at sinabing  hindi na umano gumagalaw  at  nagsasalita ang biktima.