Religious groups para kay Ali Atienza

May 09, 2019

MALINIS na panunungkulan, malinaw na hangarin, maliwanag na kinabukasan, maligayang pamayanan.

Ito ang plataporma ikinatuwa ng iba’t-ibang religious group upang iendorso at suportahan ang kandidatura ni Ali Atienza para kongresista sa ika-5th distrito ng Maynila.

Bukod sa endorso ng maimpluwensyang relihiyon na Iglesia ni Cristo (INC), nakakuha rin ng suporta si Ali mula sa Muslim group, charismatic group na El Shaddai at iba pa sektor makaraang magustuhan ang isinusulong na three-point agenda nto sa Distrito 5  — ang  Magandang Buhay, Boses N’yo, Boses Ko at Lingkod tahanan, nakapaloob dito ang mga layunin at adhikain nais gawin nito kapag nagwagi sa Mayo 13.

Kabilang sa programa ni Ali ang pagkakaroon ng in-city employment, job placement assistance, (taga-distrito ang magtatrabaho), pagbuo ng isang Barangay Basura Brigade (BBS) na may nakalaan badyet para sa paglilinis ng komunidad (gaya ng programa TUPAD ng DOLE); Pagsasagawa ng “Free Meals on Wheels” o pagpapakain sa mga nagdarahop na pamilya sa distrito, at bigasang caravan para sa murang bentahan ng bigas,

Nakapaloob naman sa “Boses N’yo, Boses Ko”  ang pagsasagwa ng isang referendum cum consultation, na kung saan diringin ang opinyon at boses ng mga ka-distrito para sa pagbalangkas ng panukalang batas at usapin makakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan, gaya ng isyu ng dagdag na buwis, TRAIN law at iba pa.
Gayundin ang pakikipag-ugnayan sa bawa’t barangay upang matukoy ang mga problema sa pamayanan.

Sa ilalim naman ng “Lingkod Tahanan,” isusulong ni Ali ang POP o Pabahay Opportunities Program (or in-city relocation).  pagtatayp ng isang magarbong medical center na may kaakibat na sport facilities gaya ng swimming pool, gym, basketball court na magpapasigla sa kalusugan, pagtatayo ng isang makabagong barangay health center na may 24-hour on-duty doctor, mga medicine cabinet na kumpleto sa gamot, pagpaparami ng iskolar sa mga karapat-dapat na estudyante at iba pa programa.

Nagpapasalamat naman si Ali sa suporta at pagtitiwala ibinigay sa kanya ng mga nabanggit na religious group.