Repaso ng rota ng PUJ sa metro hiniling

July 06, 2020

Grupo hiniling repasuhin rota ng PUJ sa Metro Manila.

MARIING umapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Liga ng Transportasyon at Operators o LTOP na repasuhin ang mga routes na binuksan para sa mga Public Utility jeepney sa Metro Manila.

Ayon kasi sa observation ni Orlando Marquez national president ng LTOP, ilan sa mga binuksang mga routes ay matagal nang walang bumibiyaheng jeepneys.

Karamihan aniya sa mga jeepney operators na umiikot sa ilang routes ay ayaw nang pumasada dahil sa takot sa  operasyong Tanggal Bulok, tanggal usok.

Ani Marquez, dapat muling ireview ng LTFRB ang interconncetivity rout system nito at huwag lamang tutukan ang mga bus.

Mas makabubuti rin aniyang lumabas ng kaniyang opisina ang hepe ng transport planning division ng LTFRB upang mismong maobserbahan ang sitwasyon.

Naiipon kasi aniya ang mga pasahero sa ilang ruta ngunit wala namang masakyan.

Ayon pa kay Marquez personal din siyang sumulat kay Transportation Secretary Arthur Tugade tungkol sa controversial na isyu ng pagbubukas ng mga bagong jeepney routes.