Home>News>Metro>Shabu nakumpiska sa 2 curfew violators

Shabu nakumpiska sa 2 curfew violators

NABAON sa mas mabigat na kaso ang dalawang lalaking nahuling lumalabag sa curfew matapos makumpiska sa kanila ang mahigit P5,000 halaga ng shabu Miyerkules ng madaling araw sa Caloocan city.

Tinangka pa umanong tumakas nina Marco Nazul, 52, construction worker at Allan Sibug, 57, tricycle driver nang mamataan ang mga pulis na nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 dakong ala-1:50 ng madaling araw subalit kaagad silang naaresto nina P/Cpl, Daddie Antonio Jr at Pat. Ivan Jay Estanislao na kabilang sa grupong pinamumunuan ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao.

Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng bulsa ng kanilang suot na pantalon at bago pa mang maitago umano ni Nazul ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 0.49 gramo na hawak niya sa kanang kamay, nakita na ito ng mga pulis.

Nakuha naman kay Sibuo ang isa pang plastic sachet na may lamang 0.25 na gramo ng shabu kaya’t kaagad silang inaresto ng mga pulis. Tinatayang aabot sa kabuuang halagang P5,032,000 ang ilegal na droga na nakumpisa sa dalawa.

Matapos isailalim sa medical examination sa Caloocan City Medical Center bilang panuntunan ang mga suspek, dinala sila nina Capt. Tiglao sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) upang ang mga nakatalaga na ritong pulis ang magsampa ng mga kaukulang kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act, Article 151 of ang resistance and disobedience to a person in authority at pagbabayad ng multa sa paglabag sa curfew.

Publication Source :    People's Tonight