SJ mayor nag-self quarantine

March 29, 2020

TULUYANG nagpasya si San Juan Mayor Francis Zamora na maipasailalim sa self-quarantine makaraang mag-positibo sa Covid-19 ang isa sa kanyang mga staff.

Nabatid na wala naman umanong nararamdamang kahit anumang sintomas ang alkalde, at nasa mabuti ang kanyang lagay.

Siniguro naman ni Zamora na sa kabila ng sitwasyon ay hindi mawawalan ng tulong ang buong lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

“In the interest of public safety, I will be going on self-quarantine starting today, March 29, up to April 11, 2020. Rest assured that as your Mayor, I will continue to manage San Juan’s day-to-day operations, most especially the medical and social aspects of our battle versus COVID-19,” pahayag ni Zamora.

Lumalabas base sa huling datos ng San Juan LGU, 73 na ang nakumpirmang positibong kaso sa lungsod.

Napag-alaman na ang 10 sa mga ito ay nasawi samantalang ang 17 ay na-discharge.