Student ‘bully’ pinatalsik ng Ateneo

December 23, 2018

Tuluyan ng pinatalsik ng pamunuan ng Ateneo de Manila University ang junior high school student na nakunan ng video at nag-viral sa social media na nam-bully sa kanyang kapwa mag-aaral nitong Linggo ng Disyembre 23.

Sa isang post sa social media ni  Ateneo de Manila University president Fr Jose Ramon “Jett” Villarin,  sinabi niya na matapos ang kanilang ginawang masusing imbestigasyon sa mga magkabilang partido ay napagkasunduan ng administrasyon na patawan ng ‘dismissal ang kanilang junior high school Student na nam-bully sa kapwa niya 14-anyos na estudyante.

“After a thorough investigation that included listening to all parties involved, the decision of the administration is to impose the penalty of DISMISSAL on the student caught bullying another student in the comfort room of the school,” base sa statement na ipinost ng Ateneo de Manila University sa kanilang Twitter at Facebook kahapon.

Kaugnay nito, inanunsiyo din ni Villarin na bumuo na rin umano ng ‘task force’ ang paaralan para siyang magsagawa ng komprehensibong pag-aaral sa pamamagitan ng Ateneo’s Student Hand book para sa pagkakaroon ng polisiya sa ‘anti-bullying’  at proseso para sa implementasyon nito.

Aniya, ang nasabing ‘task force’ ang siyang mag-o-’audit’ ng mga polisiya at gagawa ng rekomendasyon kung paano magiging ‘bully-free environment’ ang buong paaralan.

Kasabay nito, muling pinakiusapan at hinikayat ni Villarin ang publiko na ihinto na ang pagpapakalat ng nangyaring ‘bullying’ sa paaralan.