Home>News>Metro>Takbo ng MRT-3 itataas sa 60kph/hr

Takbo ng MRT-3 itataas sa 60kph/hr

ITATAAS na sa 60kph per hour ang takbo ng Metro Rail Transit Line 3 sa papasok na buwan ng December, ayon sa management.

Sa advisory na inilabas ng management,mula sa current 50kph per hour na speed ng MRT-3, gagawin na itong 60kph ngayong Disyembre.

Ang pagbilis ng takbo ng mga tren ay dahil sa pagpapalit ng mga bagong riles sa linya sa ilalim ng malawakang rehabilitation na ginawa ng Sumitomo-Mitsubishi

Heavy Industries .

Sa bilis ngayon na 50kph, nagiging komportable na ang biyahe ng mga commuters kumpara noong tumatakbo pa ito sa 40kph.

Mas marami na rin ang tumatakbong tren, 20 tuwing peak hours, kaya’t mas marami na ang naisasakay.

Sa kasalukuyan, nasa 372 pasahero kada train set o 124 na pasahero ang isinasakay ng MRT-3 kada bagon.

Nabawasan din ang headway o oras sa pagitan ng mga tren. Mula walo hanggang 9.5 minuto sa apat hanggang limang minuto na lamang. Dahil dito, mas napaiksi ang waiting time ng mga pasahero.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight