Taxi driver ginahasa ang anak habang naka-quarantine

April 05, 2020

MISTULANG sinapian ng demonyo ang 47-anyos na taxi driver na halos tatlong linggo ng nanatili sa loob ng kanilang bahay nang mabighani sa alindog ng sariling anak hanggang tuluyang pagsamantalahan kamakalawa ng madaling araw sa loob ng kanilang tirahan sa Navotas City.

Patulog na sana ang 18-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang “Eva” nang maramdaman ang pagpasok ng kanyang ama sa loob ng kanyang silid dakong ala-1:30 ng madaling araw at nahiga sa kanyang tabi.

​Una’y inakala ng dalaga na nais lamang ng kanyang ama na makapiling siya subalit nagulat siya nang maramdaman ang kakaibang haplos ng mainit na kamay hanggang sa dumampi sa kanyang dibdib.

Dito na niya itinulak ang ama subalit sa halip na tumigil ay lalu pang naging marahas at ginamit ang kakaibang lakas upang tuluyang mahubad ang lahat ng saplot sa katawan ng biktima hanggang tuluyang mailugso ang kanyang kapurihan.

​Matapos ang panghahalay, kaagad na nagsumbong si Eva sa kanyang tiyahin na siya namang humingi ng tulong kina P/SSgt. Ronald Allan Martin at P/Cpl. Vincent Pinlac, kapuwa nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 1 at kapitbahay ng biktima sa Phase 2 Area 1, Bgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan

​Inaresto naman ng dalawang pulis ang suspek na itinago ang pangalan sa alyas “Turing” bilang proteksiyon na rin sa katauhan ng biktima at dinala sa tanggapan ni Navotas Police chief P/Col Rolando Balasbas.

​Iniutos kaagad ni Col. Balasabas sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang pagsasaayos ng mga dokumento na ipiprisinta nila sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa inquest proceeding sa kasong Incestuous Rape.