TODA nagpasalamat kay Belmonte, food delivery firm

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga Tricycle Drivers Operators Associations (TODA) sa Quezon City Local Government (QCLG) sa partnership nito sa foodpanda bilang food delivery.

Ayon sa mga TODA members personal nilang ipinaabot ang pasasalamat kay Mayor Joy Belmonte at sa food delivery app sa pag recruit sa kanila bilang food delivery riders.

Malaking tulong sa aming mga TODA members kasama ng aming pamilya lalo na ngayong talagang ramdam na ang epekto ng COVID-19 sa buong bansa lalo na sa aming mga tricycle drivers, saad nila.

Ayon sa agreement ang food delivery app at QC Tricycle Regulatory Division (TRD) sa ilalim ng program ay magtutulong sa recruitments, requirements, training, permits upang mapabilis ang processing ng mga TODA members at makapag serbisyo agad.

Libre din ibibigay ang mga uniform, thermo bags, para sa mga TODA na matatapos sa training at makapagsimula ng maging delivery rider ng food panda.

Sa report ang food delivery app base ay naging popular at effective mula ng maisailalim ang National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine dahil sa epekto ng COVID-19.