Home>News>Metro>TODA umaasa sa dagdag-pasahero

TODA umaasa sa dagdag-pasahero

UMAASA ang may 50,000 Tricycle and Operator Driver’s Associations (TODA) sa Metro Manila maipatutupad agad ang dagdag pasahero at pagbaba ng pamasahe sa tricycles.

Ayon sa ibat’ ibang TODA sa Metro Manila malaking tulong ito kapwa sa TODA at pasahero.

Ani mga officer at members ng TODA, dasal nila na maipatupad agad ang panukala, gayun din ang proposal na personal insurance sa mga pasehero.

Malaking kapanatagan at safety para sa lahat ng TODA sa Metro Manila kung mandatory na maipatupad ang personal insurance sa mga tricycle, saad ng mga drivers.

Ayon sa panukala, oras na maipatupad ang proposal na mandatory personal insurance sa mga tricycle, eto ang sasagot sa mga gastusin ng pasahero kung maiinvolve ang sinasakyang tricycle sa aksidente.

Nauna rito, sinabi ni Quezon City Councilor Toto Medalla na ngayon linggo ay i-fifile nya ang proposal na dagdagan ang pasahero sa tricycle kasabay na bawasan naman ang bayad sa pamasahe.

Sinabi din ni Medalla na sa tulong ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) posibleng maipatupad na sa lalong madaling panahon ang mandatory personal insurance sa tricycle sa Quezon City.

Sa Quezon City lamang may 20,000 tricycles ang bumibiyahe samantalang sa Manila TODA-1 ay 6,000 ang bumibiyahe.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight