Traditional jeeps bumiyahe na

July 03, 2020

BUMIYAHE na kahapon Friday, (July 3, 2020) ang mga traditional jeepneys, matapos ilabas ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga guidelines na susundin ng mga operators at drivers under general community quarantine, sa Metro Manila.

May kabuuang 49 routes ang paunang biyahe ang inilabas ng (LTFRB) at pinaalalahanan ang mga operators at drives na dapat sumunod sa mga guidelines na inilabas ng agency.

Narito ang ilan sa mga routes na nabigyan na ng permits para makabiyahe: T102Camarin–Novaliches, T103 Karuhatan–Ugong, T104 Malabon-Monumento via Letre, T105 Malabon (TP)- Navotas (TP), T107 Monumento-Navotas via Letre,T205 Cubao-Proj. 4 via J.P. Rizal, T206 Cubao-San Juan via N. Domingo ,T208 IBP Road-Lupang Pangako via Gravel Pit Road, T209 Marikina–Pasig, T210 Pantranco-Proj. 2 & 3 via Kamuning, T211 Proj.2 & 3-Q Mart, T212 Sucat-Highway-Bagumbayan, T213Ayala-Pateros via JP Rizal,T215Marikin-Pateros via Pasig,T301A. Boni -A.Mabini via10t Ave, T302A.Bonifacio-D Tuazon/E. Rodriguez Ave.,T303 A. Rivera-Raon via Severino Reyes, T305Ayala-Mantrade via Pasong Tamo,T306Ayala–Washington,T309Balic-Balic Quiapo via Lepanto,T310Balic-Balic-Bustillos via G. Tuazon, T311 Balic-Balic -Espana/M. Dela Fuente, T312Balintawak–Frisco,T313Balut–Blumentritt, T314 Blumentritt-North Harbor via Divisoria, T316 Boni-Kalentong JRC via Boni Avenue, T317 Dian – Libertad, T318 Divisoria-Gastambide via Morayta, T320 Divisoria -Pier North via Plaza Moriones, T321 Divisoria-Quiapo via Evangelista,T322 Evangelista – Libertad,T323Divisoria–Velasquez,T324Guadalupe Market -L.Guinto via Pasig Line,T326 L. Guinto - Sta.Ana,T327Herbosa/Pritil-P.Guevarravia Tayuman, T328 Kalentong/JRC - P. Victorino via P. Cruz, T330 Divisoria-Sta.Cruz viaSan Nicolas, T331 Kayamanan C-PRC via Pasong Tamo, T332 L.Guinto -Zobel Roxas via Paco,T333 Lardizabal- Rizal Ave. via M. Dela Fuente, T334 Lealtad- Quiapo (Barbosa) via Lepanto,T335Kalentong/JRC-Libertad (Mandaluyong) Nueve de Pebrero,T336 Kalentong/JRC - Namayan via Vergara, T338 North Harbor - Quiapo via Evangelista, T340 P. Faura - San Andres, T343 Quezon Ave. - Sta. Mesa Market via Araneta Avenue,T344 Crame-San Juan via Pinaglabanan,T401Alabang - Sucat via M.L. Quezon, T402 Soldiers Hill (Phase IV) - Talon via Alvarez Nagpaalala din ang LTFRB na walang fare increases P9.00 pa rin ang regular fare (4) kilometer at additional na P1.50 every kilometer at dapat na roadworthy ang lahat ng mga jeepney units na bibiyahe at susunod sa mga safety healthy measures protocol.

Dapat laging sundin ang social distancing at ang 50% passenger load na isasakay ng isang jeepney na bumibiyahe.

Ayon pa sa LTFRB sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-026 ang sinumang hindi susunod sa mga guidelines na inilabas ng LTFRB ang posibleng pangmultahin, suspindihin o kanselahin ang franchise nito at maging and special permit na ibinigay ng LTFRB.

Samantala, ayon sa mga transport group leaders marami sa kanilang mga dating routes ang hindi pa rin nakakabiyabe dahil hindi pa pinapayagan ng LTFRB.

Marami pa ring mga jeepney drivers ang nagpahayag ng pagkadiskontento sa mga routes na inilabas ng agency.