Home>News>Metro>Transport coop humingi ng saklolo sa DOTr

Transport coop humingi ng saklolo sa DOTr

Dionisio Labis
Si Dionisio Labis, chairman ng Francisco Homes Multi-Purpose & Transport Service Cooperative habang ipinapakita ang approved Provisional Authority na ibinigay ng LTFRB sa interview kahapon sa Quezon City. Kuha ni JUN I. LEGASPI

NAGPAPASAKLOLO ang isang transport cooperative group sa Department of Transportation (DOTr) matapos hulihin at ma-impound ang 20-brand new unit ng cooperative ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isang interview, sinabi ni Dionisio Labis, chairman ng Francisco Homes Multi- Purpose & Transport Service Cooperative (FHMPTS) na hindi umano pinansin ng mga enforcer ng LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ibinigay na Provisional Authority (PA) ng leadership ng LTFRB.

Ayon kay Labis, ang PA na inisyu sa kanilang cooperative ay approved ng leadership ng LTFRB at pirmado ni LTFRB-Executive Director Atty. Armand Dioso. Ito ay nagbibigay sa cooperative ng kalayaan at autoridad na bumibyahe sa kanilang route Cubao-Francisco Homes, San Jose del Monte, Bulacan City.

Kaya po nagtataka kami kung bakit hinuli kahapon yung 20 brand new units namin habang bumibyahe, nagtataka rin kami dahil binalewala yung PA na isyu sa amin pirmado ni LTFRB-ED Dioso. Kami po ay tiklop luhod nananawagan kay DOTr Secretary Arthur Tugade, tulungan po kami, sinunod po namin ang lahat ng reglamento sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Lahat ng units namin brand new. Ngayon binigyan kami ng PA para makabiyahe hinuli at iniimpound naman ang mga units namin,”saad ni Labis.

Ayon pa kay Labis halos ilang buwan ng naka-garahe ang kanilang mga brand new units (70) dahil sa paghihintay sa PA.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight